Solitary Room

May 28

This guy is the most unexpected thing that happened to me. He was never in my vocabulary until he was the only word I know.This is one of the changes in my life.  God gave him to me for a reason. We don’t know what will happen but I will gladly take a risk just to be with him. He treated me like a princess and he deserves to be happy. Hi babe!!

Apr 06

(via bukasnagabina)

Ahh, siya yung pangit na pinalit sayo? Oo nga, pangit nga!

matabangutak:

(via patwithlove)

Always and Forever

Wala lang talaga akong malabasan ng sama ng loob ng todo. Oo, anjan yung mga kaibigan ko at mga kapatid ko. At maraming salamat sa kanila. Pero syempre gusto ko rin ilabas ng todo at sabihin lahat ng hinaing ko. 5 buwan na ang nakalipas, maraming nangyari, sobrang dame. Yung 5 buwan na yun, hindi mo alam kung ano yung pinagdaanan ko. Hindi mo alam kung ano yung mga nangyari sa akin. Sguro nga nag-enjoy ako, nakakilala ng ibang tao o lalaki. Pero hindi ibig sabihin nun eh MASAYA na ako. Kahit kailan hindi ako naging MASAYA sa piling ng IBA. Oo, pinahalagahan nila ko. Pero hanggang dun lang yun. Tanggap ko na ako yung unang nagkamali. Ako yung nakipaghiwalay, gusto ko yun eh. Pero sana man lang naisip mo na hindi ko ginawa yun para sa ibang tao. PARA DIN SA ATIN YUN. Gusto ko mahanap yung sarili ko at matuto tumayo or maging independent. At malas mo lang dahil hindi bukal sa loob mo yung ginawa ko. Nakipaghiwalay ako dahil gusto ko makita mo yung kahalagahan ko. Kung paano mabuhay ng wala ako. Siguro nga kasalanan ko na naman kung bakit ganito. Sinanay kita. Nakahanap ka ng yaya sa akin. Yung taga gawa ng assignments, projects or anumang groupwork. Taga resolba ng problema mo. Oh kahit ano man yan. Nasanay ka sa 5 taon na andito ako para sayo. Alam mo sa relasyon natin hindi ako nagkulang. Lahat binigay ko. Lahat ginawa ko. Lahat sinakripisyo ko. Nanghingi ako ng tinatawag nilang Freedom hindi lang yun para sa akin pero para din sa atin. Kase alam ko marami ng maling nangyayari. Sa paghihiwalay na yun, umaasa ako na susuyuin mo ko. Pero tama na naman ako, hindi mo nagawa. Alalang alala ko pa yung sinabi mo na, ikaw ang umalis ikaw ang matuto bumalik.. Alam mo ba kung gaano kasakit sa akin yun. Dumating din yung araw na hinabol mo ko, pero hindi na kita tinanggap. Kase sabi mo masaya na ako? Sabi mo? Hindi na kita kailangan. Pero maling mali ka dun. Sana lawakan mo yung pagiisip mo. May mga pangit na bagay ka nalaman sa akin. Oo, tanggap ko yung pagkakamali ko. Pero diba sabe mo handa ka kalimutan lahat para sa akin. Maayos lang to. Kase MAHAL NA MAHAL MO KO? Umasa ako dun, gusto ko kase bago tayo magkabalikan, maayos na yung buhay na tin. Wala na yung mga takot ng bawat isa at nakalimutan na natin yung mga sakit na nangyari. At magsimula ng panibago. Sabi ko unti unti dahil hindi naman ganoon kadali yun dba? Pero eto na naman, andito na naman tayo sa isang pagsubok. Eto na ata yung pinakamahirap na pagsubok sa akin eh. Sa relasyon natin. Oo nasaktan kita. Pero sana rin naisp mo na nasaktan mo rin ako. Sobra. Sasabihin mo kaya ako nagkakaganito kase hindi ko matanggap na masaya ka na ng wala ako. Hindi din. Umaasa ako na okay lahat sa atin. Okay pero may hindi pala ako alam. Ang sakit sakit. Sobra. Yung tanggapin na hindi na ako yung babaeng nagpapasaya sayo at MAGPASAYA sayo. Yung dumating na yung babaeng pumunan ng pagkukulang ko. Masakit. Para akong kumukha ng malaking bato na ipinukpok sa sarili ko. Or parang pinatay na lang ako. Pero hindi ko magawang magalit dahil hindi ba sabe mo nga ako ung nauna at ginusto ko to. Pero yung ipamukha sa akin yun. Aba, siguro hindi na tama yun. Yung sabihin mo sakin na, WALA KANG KARAPATAN SAKTAN SIYA. Putangina naman. BAKIT AKO? MAY KARAPATAN KA BANG SAKTAN AKO. Lahat ng sakit na dinanas ko sa relasyon nating 5 taon. Ano yun? Wala lang ba yun? Hindi ko sinasabi na puro sakit lang, kase sa tuwing naalala ko kung gaano tayo kasaya nun. Wala akong magawa kung hindi umiyak dahil yun yung pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Yung mga araw na nangangarap tayo at iniisip yung future na meron tayo. Lahat yun nawala ng isang iglap hindi lang dahil sa akin kung hindi dahil sa ating dalawa. Parehas tayo nagkamali. Parehas tayo nasaktan. Hindi ko na alam kung ano ang mangyayari. Madame nagbago, Oo lalo na sa akin. Pero yung pagmamahal ko sayo kahit kelan hindi nagbago yun at yung pangarap ko na makasama ka ALWAYS AND FOREVER nakatatak pa rin yun sa puso’t isip ko. Hindi ako bumitaw, nawala at nagpahinga lang ako saglit. Pero hindi ko namalayan sa pagpapahinga ko ay may pumalit na pala sa akin. Yan na ata yung pinakamasakit na nangyari sa akin. Hindi ka nakapaghintay at nakahanap ng kalinga sa iba. Ang sakit sobra. Pero sabe nga nila, life goes on. Move on. Nawala ka man. Nakahanap ka man ng iba. Napatunayan ko lang sa pagsubok na ito na ANG DAME PALANG NAGMAMAHAL SA AKIN. Kaibigan ko, mga kapatid ko, pamilya ko. Sobrang dame. Siguro nga dito na natatapos yung magandang kabanata ng kwento natin. Pero lage mo tandaan. Mananatiling magandang alaala yung 5 taon na pagsasama na atin. Always and Forever yun dito sa puso ko. :)

Dec 30

206.) I miss all the stupid stuff we’ve done together. I wouldn’t want to be stupid with anyone else but you.

(Source: strawberrytelle)

Dec 15

@ GCS Computer Lab

It’s nice to be back and realize how you’ve grown since then. Seeing old people that you used to talked to 6 years ago is priceless. The places you used to hang to. The food you enjoyed eating everyday. Everything changes but the memories will remain forever. How I miss High School.

Nov 30

Okay. Hindi ko alam kung paano sisimulan ito. Pero ang alam ko makakahinga ako ng maluwag pagkatapos nito. Siguro naman, alam na ng lahat na wala na kame. Oo. Wala na kame. Natapos ang 5 taon na aming pagsasama. Ako yung bumitaw at nakipaghiwalay. Noong una, oras at space lang ang hinihingi ko. At akala ko pipigilan niya ako, hahabulin. Kasi di ba yun ang karaniwang gingawa ng mga tao pag iiwanan na sila ng mahal nila. Pero mali pala ako, wala akong napala. Gusto ko daw ito eh. Pero masakit pala. Sobrang sakit na dumating sa point na worthless na ako. Ang lungkot.  Lumipas ang mga araw, hindi kame nagkakausap or nagkikita. Wala akong ginawa kung hindi, gumala, uminom at kung ano ano pa. Syempre sa mga panahong ito mga kaibigan ko lang masasandalan ko. Kahit saglit lang nawala yung sakit at pagkalungkot ko pag kasama sila. Pero bago ako matulog, maiisip ko na lang na bakit kulang? Kulang. Sabi naman ng iba, okay lang yan. Bata ka pa, marami ka pang makikilala. At sobrang na-touch ako sa sinabi ng mama ko, “Anak, matalino ka, Maganda. Bakit ka maghahabol?” Ma, Mahal ko eh. Tanong naman ng iba, “Anong nangyari? Ang tagal niyo na ah. Sayang.” Tinatanong ko rin yan sa sarili ko eh, ano nga ba ang nangyari sa amin? Okay naman kami dati. Sobrang saya. Yung mga moments namen na hindi ko maipaliwanag yung ligaya na nakukuha ko pag siya kasama ko.  Yung times na kinikilig ako kasi sobrang sweet niya. Ano nga ba ang nangyari? Tanga ba ako kasi yun lang yung nakikita ko noon. Yung bright side. Yung mga bagay na para sa relationship namen. At hindi ko inisip na we’re na growing up anymore as individuals. Nanghingi ako ng panahon to let me know if he we’ll do anything, everything to get me back. But I failed. WALA. AS IN WALA.Ewan ko. Hindi ko na alam. Pero siguro tama na ito. Hay. Ang pakiramdam na gusto mo siyang puntahan pero natatakot ka kase alam mo siya yung kahinaan mo. Yung pakiramdam na gustong gusto mo siyang yakapin pero di mo magawa kasi ayaw mo na maging tanga. Ganun naman talaga dba? Nagmahal lang naman ako. Magpapasko pa naman. Ang dami kong plano para sa amin pero wala na siya. Nakakalungkot. Sobra. Mamahalin ko muna sarili ko ng mabuti para kung sakaling bumalik man siya. Handang handa ako na mas mahalin pa siya lalo. 

Nov 04

I miss Galera where everything is peaceful <3

I miss Galera where everything is peaceful <3

sjdfhlolitschinny:

ilovels:

Anne Curtis Smith - Folded &amp; Hang

*Hung

sjdfhlolitschinny:

ilovels:

Anne Curtis Smith - Folded & Hang

*Hung

(via equiangulartriangle)

Galera`11

Galera`11