Okay. Hindi ko alam kung paano sisimulan ito. Pero ang alam ko makakahinga ako ng maluwag pagkatapos nito. Siguro naman, alam na ng lahat na wala na kame. Oo. Wala na kame. Natapos ang 5 taon na aming pagsasama. Ako yung bumitaw at nakipaghiwalay. Noong una, oras at space lang ang hinihingi ko. At akala ko pipigilan niya ako, hahabulin. Kasi di ba yun ang karaniwang gingawa ng mga tao pag iiwanan na sila ng mahal nila. Pero mali pala ako, wala akong napala. Gusto ko daw ito eh. Pero masakit pala. Sobrang sakit na dumating sa point na worthless na ako. Ang lungkot. Lumipas ang mga araw, hindi kame nagkakausap or nagkikita. Wala akong ginawa kung hindi, gumala, uminom at kung ano ano pa. Syempre sa mga panahong ito mga kaibigan ko lang masasandalan ko. Kahit saglit lang nawala yung sakit at pagkalungkot ko pag kasama sila. Pero bago ako matulog, maiisip ko na lang na bakit kulang? Kulang. Sabi naman ng iba, okay lang yan. Bata ka pa, marami ka pang makikilala. At sobrang na-touch ako sa sinabi ng mama ko, “Anak, matalino ka, Maganda. Bakit ka maghahabol?” Ma, Mahal ko eh. Tanong naman ng iba, “Anong nangyari? Ang tagal niyo na ah. Sayang.” Tinatanong ko rin yan sa sarili ko eh, ano nga ba ang nangyari sa amin? Okay naman kami dati. Sobrang saya. Yung mga moments namen na hindi ko maipaliwanag yung ligaya na nakukuha ko pag siya kasama ko. Yung times na kinikilig ako kasi sobrang sweet niya. Ano nga ba ang nangyari? Tanga ba ako kasi yun lang yung nakikita ko noon. Yung bright side. Yung mga bagay na para sa relationship namen. At hindi ko inisip na we’re na growing up anymore as individuals. Nanghingi ako ng panahon to let me know if he we’ll do anything, everything to get me back. But I failed. WALA. AS IN WALA.Ewan ko. Hindi ko na alam. Pero siguro tama na ito. Hay. Ang pakiramdam na gusto mo siyang puntahan pero natatakot ka kase alam mo siya yung kahinaan mo. Yung pakiramdam na gustong gusto mo siyang yakapin pero di mo magawa kasi ayaw mo na maging tanga. Ganun naman talaga dba? Nagmahal lang naman ako. Magpapasko pa naman. Ang dami kong plano para sa amin pero wala na siya. Nakakalungkot. Sobra. Mamahalin ko muna sarili ko ng mabuti para kung sakaling bumalik man siya. Handang handa ako na mas mahalin pa siya lalo.